INAPRUBAHAN ng Commission on Higher Education ang pagpapatupad ng 100 percent online classes sa mga kolehiyo sa bansa dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay CHED Chairperson Shirley Agrupis, layunin nitong mabawasan ang gastusin ng mga mag-aaral at mga guro lalo na sa pamasahe at sa konsumo ng kuryente.
Kamara, pinagkokomento ng Supreme Court sa inihaing petisyon ni VP Sara
166 pang pinoy galing kuwait, pauwi na ng bansa; mga umuwing ofw, hinahanapan na ng bagong trabaho
DTI, tiniyak na walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing produkto hanggang sa katapusan ng Abril
Roblox, hindi papatawan ng ban, ayon sa DICT
Sa inaprubahang patakaran ng CHED, may kalayaan ang mga kolehiyo at unibersidad na magpasya kung lilipat sila sa full online classes.
Hindi na rin muna paiiralin ang limitasyong naunang ipinatupad noong panahon ng pandemya kung saan may itinakdang porsyento lamang para sa online class.
Ayon kay Agrupis, ang mga paaralang magpapatupad ng full online class ay dapat tiyaking kumpleto ang IT infrastructure, handa ang mga guro at hindi maaapektuhan ang kalidad ng edukasyon.
