31 July 2025
Calbayog City
Overseas

Fukushima Plant Workers sa Japan, nag-evacuate kasunod ng Tsunami Warning bunsod ng Magnitude 8.7 na lindol sa Russia

INILIKAS ang mga empleyado ng Fukushima Nuclear Power Plant sa Japan bunsod ng Tsunami Warnings na inisyu sa buong bansa.

Ayon sa operator ng planta, lahat ng kanilang apatnalibong manggagawa ay inilikas, bagaman wala namang na-detect na “abnormalities.”

Kasunod ito ng Magnitude 8.7 na lindol na yumanig sa Far Eastern Coast ng Russia, na naging mitsa ng Tsunami Warnings sa iba’t ibang panig ng Pasipiko.

Para sa mga nakararami sa Fukushima Prefecture, ang warning ay nagpapaalala sa isa sa Worst Nuclear Disasters na nasaksihan ng buong mundo.

March 2011 nang yanigin ang Japan ng Magnitude 9 na lindol na sinundan ng Tsunami na ikinasawi ng mahigit labing walunlibong katao.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).