PRAYORIDAD ng Office of Civil Defense (OCD) ang fuel tankers sa kanilang “Libreng Sakay” Program sa pagtawid sa San Juanico Strait sa pagitan ng Tacloban City at Amandayehan Port sa Basey, Samar, sa gitna ng kasalukuyang crisis sa tulay.
As of July 21, nakapag-transport na ang Government-Sponsored Free Roll-On, Roll-Off Trip ng 130 fuel tankers mula Leyte Island hanggang Samar Island, simula nang ilunsad ang programa noong June 18.
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Sinabi ni OCD Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion na ang suportado ng naturang hakbang ang patuloy na operasyon ng maliliit na Power Utilities at iba pang mahahalagang serbisyo.
Saklaw ng libreng sakay ang cargo trucks at delivery vehicles na opisyal na naghahatid ng essential at perishable goods, gaya ng mga pagkain, gamot, tubig, animal feed, at gasolina.
Kasama rin ang government at humanitarian vehicles na nasa Official Duty at may kargang relief goods o logistical support para sa Disaster Response.
