Target ni Boston Celtics center Kristaps Porzingis (pwor-zin-jis) na makabalik sa paglalaro sa Disyembre mula sa offseason ankle surgery.
Sinabi ni Porzingis na maayos na kanyang pakiramdam at sinisikap niyang mapabilis pa ang kanyang recovery para makapaglaro ng mas maaga sa inaasahan.
Ang original na timetable para sa kanyang pagbabalik sa hardcourt mula sa kanyang surgery noong huling bahagi ng Hunyo ay hanggang anim na buwan.
Nakuha ng bente nueve anyos na cager ang kanyang injury sa NBA Finals laban sa Dallas Mavericks, kung saan nanalo ang Celtics sa limang laro.