8 July 2024
Calbayog City
Overseas

French President Emmanuel Macron bibisita sa Israel

BIBISITA si French President Emmanuel Macron sa Israel, mahigit dalawang linggo makaraang sumiklab ang digmaan sa lugar.

Sinabi ng western leader na pupunta ito para ipakita ang pakiki-isa ng France, at pag-usapan ang pagpapakawala sa mga hostage na hawak ng Hamas sa Gaza.

Binigyang-diin naman ni Macron na hindi dapat madamay ang iba pang karatig-bansa sa tumitinding bakbakan ng Israeli Forces at Hamas, at sa halip, dapat na itaguyod ang kapayapaan o genuine peace process sa lugar.

Nabatid na umabot na sa libu-libong katao ang nasawi, kabilang ang mga inosenteng sibilyan sa walang patid na digmaan sa naturang bansa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *