2 June 2025
Calbayog City
Entertainment

Freddie Aguilar, pumanaw bunsod ng multiple organ failure, ayon sa kanyang dating partner

PUMANAW na ang Filipino folk singer na si Freddie Aguilar sa edad na 72.

Ayon sa dating partner na si Josephine Quiepo, binawian ng buhay ang Pinoy Music Icon sa Philippine Heart Center bunsod ng multiple organ failure, noong Lunes ng gabi.

Sina Ka Freddie at Josephine ay mayroong mga anak, kabilang ang singer na si Maegan Aguilar.

Samantala, pinasalamatan naman ng misis ni Ka Freddie na si Jovie Albao, ang mga nagmalasakit sa kanyang mister.

Si Ka Freddie ay nakilala sa kanyang hit song na “Anak” na naging International Hit at isinalin sa iba’t ibang lengguwahe.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).