21 September 2024
Calbayog City
Overseas

France at Italy, hinimok ang kanilang mamamayan na lisanin ang Lebanon sa gitna ng umiigting na kaguluhan

france italy lebanon

Hinimok ng France at Italy ang kanilang mga mamamayan sa Lebanon na umalis na sa naturang bansa bunsod ng panganib ng military escalation sa Middle East.

Tumaas ang tensyon kasunod ng pagkakapaslang kay Ismail Haniyeh, lider ng Palestinian group na hamas, sa Tehran, isang araw matapos masawi sa Israeli strike sa Beirut si Fuad Shukr na isang top military commander mula sa Lebanese Armed Group na Hezbollah.

Sa dalawang magkahiwalay na travel advisories, inirekomenda ng French Foreign Ministry sa kanilang citizens na naninirahan sa Iran na pansamantalang lisanin muna ang bansa hangga’t mayroon pang available na commercial flights.

Hinikayat naman ni Italian Foreign Minister Antonio Tajani ang kanilang mamamayan na huwag munang bumiyahe patungong timog at bumalik muna sa Italy sa lalong madaling panahon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).