BAHAGYANG umangat ang Foreign Direct Investments (FDI) sa Pilipinas ng 0.1 percent o sa 8.93 billion dollars noong nakaraang taon.
Binasag nito ang dalawang sunod na taong pagbaba subalit kapos pa rin sa 9-billion dollar target ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong 2024.
Sa kabila ng paglago, bumagsak ang inflows noong Disyembre ng 85.1 percent o sa 110 million dollars mula sa 743 million dollars na naitala noong December 2023.
Ito ang pinakamababang monthly level ng FDI simula noong December 2013, kung kailan naitala ang 102.16 million dollars.