NAKABAWI ang Foreign Direct Investments (FDI) noong Abril at naitala sa Three-Month High bunsod ng tumaas na Inflows sa Debt Instruments.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa 610 million dollars ang FDI Net Inflows noong Abril mula sa 498 million dollars noong Marso, at 570 million dollars noong April 2024.
Pinakamataas din ito mula nang maitala ang 731 million dollars na FDI Net Inflows noong Enero.
Ayon sa BSP, lumobo ng 24.3% o sa 522 million dollars ang Net Investments sa Debt Instruments ng Nonresidents, at ang Reinvestments of Earnings ay tumaas ng 3.3% o sa 84 million dollars.