BUMAGSAK ang net inflows ng Foreign Direct Investment (FDI) sa Pilipinas noong Nobyembre, batay sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa Central Bank, naitala sa 901 million dollars ang fdi net inflows noong November 2024, mas mababa ng 19.8 percent kumpara sa 1.12 billion dollars noong November 2023.
Mas mababa rin ito ng 11.8 percent kung ikukumpara noong October 2024.
Sinabi ng BSP na ito rin ang pinakamababang FDI net inflow sa loob ng dalawang buwan o simula nang maitala ang 368 million dollars noong Setyembre.