BUMABA ng halos 23 percent ang debt service sa foreign loans ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Oktubre ng nakaraang taon.
Batay sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak ng 22.94% ang Foreign Debt Service Bill o sa 11.02 billion dollars noong October 2025 mula sa 14.3 billion dollars na naitala sa kaparehong buwan noong 2024.
Ito ang ika-limang sunod na buwan na bumaba ang external debt service ng bansa, sa annual basis.
Bumagsak ang principal payments ng 41.04% o sa 4.513 billion dollars noong katapusan ng Oktubre mula sa 7.654 billion dollars noong ika-sampung buwan ng 2024.
Samantala, naitala ang interest payments sa 6.057 billion dollars na mas mababa ng 2.09% mula sa 6.646 billion dollars noong sinudan nitong taon.




