Natakasan ng Rain or Shine sa pamamagitan ng overtime ang Magnolia sa score na 111-106, para sa 2-1 lead ng kanilang quarterfinals series sa 2024 PBA Governors’ Cup, sa Ynares Center sa Antipolo, kagabi.
Pinangunahan ni Aaron Fuller ang Rain or Shine sa kanyang 29 points habang nag-ambag si Jhonard Clarito ng 18 points, eight rebounds, two assists, at two steals.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Samantala, nanguna naman sa Magnolia si Jabari Bird na gumawa ng 31 points habang nakapagtala si Zav Lucero ng 24 points at nine boards.
Malalaman bukas kung tatapusin na ng Elasto Painters ang series kontra Hotshots, sa Ninoy Aquino Stadium, sa Maynila.