SA kabila nang nakumpuni na, kailangan pa ring isailalim sa rehabilitasyon ang Floodgate sa Navotas City.
Ito, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, kasabay ng pagbibigay-diin na lumang-luma na ang Floodgate na sa tantiya niya ay nasa tatlumpung taon na.
Minimum Wage Earners, dapat bigyan din ng 50% discount sa LRT at MRT
Pumping Station sa Quezon City na itinayo ng DPWH sa Non-Building Area, pinagigiba ng LGU
Luncheon meat, beer galing China nakumpiska ng CIDG; 7 kabilang ang 5 Chinese arestado
Ocular Inspection sa Dolomite Beach, isinagawa ng MMDA, DENR at SMC
Una nang napaulat na isang bahay ang lubhang napinsala habang limang iba pa ang naapektuhan, makaraang gumuho ang tatlong metrong pader sa Barangay San Jose, bunsod ng High Tide.
Ayon sa Navotas Local Government Unit, tumagas din ang tubig mula sa inilagay na sandbag wall.
Inihayag ni Bonoan na gumagawa ang DPWH ng Feasibility Study, kasama si Navotas Rep. Toby Tiangco, para sa pagpapalit ng Floodgate.
Idinagdag ng kalihim na sa ngayon ay mahigpit na binabantayan at minamantina ng ahensya ang Floodgate.