NAG-inspeksyon si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa mga Drainage, Waterways at Flood Control Projects sa Navotas.
Kasama ni Dizon sa inspeksyon sina Public Works Undersecretary Arthur Bisnar, Presidential Communications Office Undersecretary Honey Rose Mercado, Navotas Mayor John Reynald Marcelo Tiangco at Navotas Rep. Toby Tiangco.
Kabilang sa tinungo ng mga opisyal ang Navotas Coastal Dike na tinamaan ng malakas na Storm Surge sa kasagsagan ng hagupit ni Super Bagyong ‘Uwan’.
Mula Navotas ay nagtungo din ang kalihim sa Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, Manila.
Tiniyak naman ni Dizon na patuloy na naka-deploy ang mga tauhan at Equipment ng DPWH sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng bagyo sa buong bansa para sa tuloy-tuloy na Clearing Operations.




