MAGDARAGDAG ng flights ang Philippine Airlines sa Borongan City sa Eastern Samar mula sa Cebu City kasunod ng mataas na demand para sa air travel sa lalawigan.
Ayon kay Borongan City Mayor Jose Ivan Dayan Agda, maglulunsad ang PAL ng ikatlong lingguhang flight tuwing Miyerkules para sa Cebu-Borongan Route.
ALSO READ:
Eastern Visayas Regional Hospital, sisimulan ang transplant operation sa 3rd quarter ng 2026
Mahigit 500 na mangingisda sa Northern Samar, makatatanggap ng fuel subsidy
Mga turista, hinikayat na bumisita sa rock formations sa Biri Island sa Northern Samar
Mayor Uy, bubuo ng task force sa Calbayog CITY para sa State of Energy Emergency
Sinabi ng lokal na pamahalaan na ang bagong flight ay karagdagan sa umiiral na Monday and Friday schedule, na ang expansion ay nakatakdang simulan bago matapos ang Setyembre.
