Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Presidential Assistant for Strategic Communications Cesar Chavez bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office.
Papalitan ni Chavez si PCO Secretary Cheloy Garafil na itinalagang bagong pinuno ng Manila Economic and Cultural Office.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Nanumpa na si Chavez sa bagong tungkulin kay Pangulong Marcos sa Malakanyang.
Una nang nagsilbi si Chavez bilang Undersecretary for Railways ng Department of Transportation.
Tututukan ni Chavez na maipalaganap ang mga polisiya ni Pangulong Marcos, mga programa at mga pet projects bukod pa sa Build, Better, More program at social development projects.
Tututukan din ni Chavez ang paglaban sa fake news.
Aatasan din ni Chavez ang lahat ng state media na magkaroon ng fact checker para hindi mabiktima ng fake news.
