4 January 2025
Calbayog City
National

Firecracker-related injuries, lumobo na sa mahigit 500

UMAKYAT na sa mahigit limandaan ang bilang ng mga indibidwal na nagtamo ng iba’t ibang pinsala bunsod ng mga paputok sa gitna ng mga pagdiriwang na may kaugnayan sa bagong taon. 

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), karagdagang isandaan walumpu’t walo ang iniulat na firecracker-related injuries noong Dec. 31 o bisperas ng bagong taon.

Tatlong kaso ang naitala, kagabi, habang tatlong iba pa sa mga nakalipas na araw, ang kabilang sa mga huling nadagdag sa tally.

Sa kabuuan, simula Dec. 22, 2024 hanggang Jan. 2, 2025, lumobo na sa 534 ang firecracker-related injuries na bahagyang mababa ng 9.8 percent mula sa 592 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, bukod sa kwitis at boga, kabilang sa iba pang mga paputok na nagdulot ng pinsala sa mga biktima, ay 5-star at whistle bomb.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).