UMABOT na sa tatlumpu’t apat ang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok sa Eastern Visayas, mas mataas kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH) region 8, mula sa walo noong Dec. 31, 2024 ay biglang lumobo ang naitalang firecracker-related injuries sa unang limang araw ng 2025, at nalagpasan ang 31 cases na naitala noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
Ang mga biktima ay mula sa Guiuan, Dolores, at Llorente sa Eastern Samar; Calbayog City, San Jorge, at Sta. Margarita sa Samar; Abuyog, Barugo, Palompon, at Tanauan sa Leyte; Tacloban City; Catarman, Northern Samar; at Maasin City at Padre Burgos sa Southern Leyte.
Karamihan sa mga nasugatan ay lalaki matapos magsindi ng kwitis.
