BINATIKOS ni Department of Justice (DOJ) Spokesman Mico Clavano ang finger heart sign at mga komento ni Sarah Discaya na nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng ahensya.
Sinabi ni Clavano na ang mga aksyon ng kontrobersyal na contractor ay senyales ng insincerity o hindi sinsero at complacency o pagiging kampante.
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bbagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Halos 5 bilyong pisong Air Assets ni Cong. Zaldy Co at 500-million peso luxury cars ng mga sangkot sa Flood Control Anomalies, nais ipa-freeze ng DPWH
Ginawa ng Justice official ang pahayag matapos bumalik si Sarah at asawa nitong si Curlee Discaya sa DOJ para sa pagpapatuloy ng Case Buildup ng pamahalaan hinggil sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Tumanggi ang mag-asawang Discaya at kanilang abogado sa mag-isyu ng statements subalit nag-finger heart si Sarah sa mga miyembro ng media nang pumasok ito sa DOJ Headquarters.
Nang paalis naman, ay sinabihan ni Sarah ang mga reporter na gandahan ang kanyang memes.