DINAGDAGAN ng Department of Migrant Workers (DMW) ang halaga ng financial assistance sa distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga miyembro ng kanilang pamilya.
Ito ay sa ilalim ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund ng ahensya.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ng DMW na dati ay iba-iba ang halaga ng ayuda depende sa kaso at sitwasyon ng OFW.
Sa ilalim ng Department Order No. 05, Series of 2024, ang standard amount ng financial assistance ay itinakda sa 30,000 pesos.
Sa iba’t ibang sirkumstansiya, maari silang pagkalooban ng 50,000 hanggang 100,000 pesos.
Ang DMW Aksyon Fund ay ginagamit para sa legal, medical, financial, at iba pang klase ng tulong sa mga OFW, kabilang ang repatriation, pag-uwi sa labi, evacuation at rescue.