NAKAPAGTALA ng double doubles win ang Filipino Tennis Players sa India.
Nasungkit ni Alex Eala ang kanyang kauna-unahang Professional Doubles’ Title sa W50 Pune sa India.
Pinadapa ni Eala at ng partner nitong Latvian na si Darja Semenistaja ang top-seeded pair na sina Fanny Stollar ng Hungary at Naiktha Bains ng United Kingdom sa final round noong Sabado ng gabi.
Samantala, sa Chennai, India, itinanghal na doubles champion sa ITF India F2 si Niño Alcantara at Indonesian partner nito na si Christopher Rungkat.
Tinalo nila ang tambalan nina Bogdan Bobrov ng Russia at Adil Kalyanpur ng India.