BABAWI ang Philippine Women’s National Football Team matapos ang close loss sa kanilang unang match sa AFC Women’s Asian Cup.
Makakalaban ng Filipinas sa City of Gold Coast ang isa pang powerhouse opponent na South Korea, sa Huwebes, sa Cbus Super Stadium.
ALSO READ:
Galing ang pambansang koponan sa 1-0 defeat sa host nation na Australia noong Linggo, kung saan nakalusot ang goal ni Sam Kerr sa 14th minute.
Ang top two teams sa tatlong grupo, pati na ang dalawang best third-placed teams, ang uusad sa Knockout Round.
Ang anim na koponan na makaka-secure ng pwesto ang sasabak sa 2027 FIFA Women’s World Cup.




