Mula sa pagiging sidekick sa Marvel’s “Spider-Man” films, pangungunahan ng Filipino-American Actor na si Jacob Batalon ang cast ng pinakabagong horror movie ng Columbia Pictures’ na “Tarot.”
Makakasama ni Batalon sa pelikula sina Harriet Slater ng “Pennyworth,” Avantika mula sa “Mean Girls,” at Adain Bradley ng “The 100.”
Ang “Tarot” ay base sa 1992 novel na may kaparehong titulo, ni Nicholas Adams na nagsilbing co-writer kasama ang co-director na si Ana Halberg.
Wala pang release date sa Pilipinas ang naturang pelikula, subalit sa ibang bansa ay inilipat ang pagpapalabas nito sa mga sinehan sa May 10 mula June 28, upang maiwasan ang kompetisyon sa isa pang horror film na “A Quiet Place: Day One.”