PINASINAYAAN ang “Fight for Our West Philippine Sea” Mural Wall sa pader ng Manila North Cemetery, bilang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa.
Pinangunahan ito ni Herbert Antonio Martinez, Chairman at Founder ng BLESSED Movement, kasama si National Youth Commission Chairperson Jeff Ortega, sa ilalim ng MANAMo Wall Project na may temang “Kulayan ang Karagatan: Kabataan Para sa West Philippine Sea.”
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Dating Senador Trillanes, kinasuhan ng Plunder at Graft sina Dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go
Mandatory na pagsusuot ng Face Masks, hindi pa kailangan sa kabila Flu Season, ayon sa DOH
One RFID, All Tollways System, inilunsad para mabawasan ang Delays sa biyahe
Layunin ng proyekto na ipakita ang pagkamalikhain, nasyonalismo, at pagkakaisa ng kabataang Pilipino sa pagtatanggol ng karapatan ng bansa sa karagatan.
Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ni Martinez si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia sa patuloy nitong adbokasiya at inspirasyon sa mga kabataan at Civic groups, kasama ang Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, ABKD, LIPI, at PADER ng Demokrasya, na nagpahayag ng pagkondena sa patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea.
Batay sa Pulse Asia Survey, 94% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat ipagtanggol ng pamahalaan ang ating soberanya laban sa “Coercive Behavior” ng China