NAKIPAGPULONG ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga traffic officials mula Cainta, Antipolo, Marikina, at Pasig para talakayin ang problema sa traffic sa Marcos Highway.
Ayon kay MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, sa isinagawang pulong naglatag ng mga plano na inaasahang makababawas sa pagsisikip sa daloy ng traffic sa nasabing kalsada.
Sinabi ni Atty. Vic Nuñez, Director for Enforcement ng MMDA Traffic Discipline Office na mahalaga ang nagkakaisang traffic rules sa mga LGU na nakasasakop sa Marcos Highway partikular ang pagkakaroon ng Uniform Enforcement ng Truck Ban.
Plano ng MMDA na buksan ang intersection sa bahagi ng Marcos Highway at Gil Fernando Avenue.
Lumagda din sa kasunduan ang apat na LGUs at ang MMDA para sa istriktong pagpapatupad ng Anti-Illegal Terminal at Anti-Illegal Vendor sa kahabaan ng kalsada.




