Niregaluhan ni Russian President Vladimir Putin ng kotse si North Korean Leader Kim Jong Un, sa panibagong mainit na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa na nagbibigay naman ng alalahanin sa Amerika.
Ang Russian-made car para sa personal use ni Kim ay idiniliver ng Russian delegation noong linggo.
Ayon kay Kremlin Spokesperson Dmitry Peksov, ang kotseng ibinigay sa North Korean leader ay “Aurus” na isang luxury automaker na itinatag noong 2018 para gumawa ng official state cars sa Russia.
Malinaw umano itong pagpapakita ng espesyal na personal na relasyon sa pagitan ng dalawang matataas na lider ng Russia at North Korea.