14 March 2025
Calbayog City
Local

Artist na tubong Calbayog City, ipinakilala ang kanyang mga likhang sining para hikayatin ang mga taong pangalagaan ang kalikasan

artist

Ipinakilala ng isang artist na tubong Calbayog City ang sining na nagpapamulat sa mga tao sa natural na kagandahan ng mundo na kanilang tinitirahan.

Si Aristotle “Aris” Reveral Ventures ay gumagamit ng environmentrick, mula sa mga salitang “environment,” “trick,” at “art” upang bigyang buhay ang kanyang mga likhang paintings at visuals.

Ginagamit ni Ventures ang kanyang “Signature Genre” upang impluwensyahan ang kanyang audience para tumulong sa pangangalaga sa kalikasan na kanyang minamahal at pinahahalagahan.

Habang lumalaki sa kagubatan ng Samar, sinabi ni Ventures sa sarili na nais niyang maalala bilang artist na ipinagmalaki ang taglay na ganda ng kanyang lalawigan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *