ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III bilang caretakers.
Kaugnay ito sa pagtungo ng pangulo sa Vatican, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, kagabi, para sa libing ni Pope Francis.
ALSO READ:
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Sa ilalim ng Special Order No. 424, isang executive committee ang binuo para mangasiwa sa day-to-day operations sa Office of the President, at sa General Administration ng executive department habang wala ang pangulo.
Inatasan din ang komite na magsumite ng written report sa mga naging aksyon at desisyon nito sa Office of the President sa loob ng limang araw pagbalik sa bansa ng punong ehekutibo.