5 January 2025
Calbayog City
Local

Estado ng mga kulungan at inmates, tinalakay sa pulong nina Cong. Jimboy Tan at mga opisyal ng BJMP

bjmp jimboy tan

Nakipagpulong si Samar First District Rep. Jimboy Tan sa mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa pangunguna nina Regional Director Jail Chief Supt. Delvic Oreiro at Jail Supt. Inspector Benedicto Ramirez Jr.

Tinalakay nila sa pulong ang pagpapatatag ng justice system, pati na ang pagpapaigting ng seguridad sa komunidad.

Pinag-usapan din ang iba’t ibang paksa, gaya ng pagsasaayos ng mga kulungan, implementasyon ng epektibong rehabilitation programs, at pagsusulong sa kapakanan ng inmates.

Layunin nito na makahanap ng mga makabagong solusyon sa mga kinakaharap na problema ng BJMP at matiyak na maayos na gumagana ang justice system.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *