ISANG eroplano ng Sunlight Air ang nakaranas ng problema sa gulong nito paglapag sa Siquijor Airport.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, dumating sa naturang paliparan ang eroplano galing Mactan, Cebu.
Paglapag sa runway ay nag-deflate ang nose landing gear nito kaya napilitang huminto a runway.
Sinabi ng CAAP na ligtas naman ang lahat ng pasahero at crew ng eroplano at wala namang nasaktan sa insidente.




