MALIBAN sa pagsipa ng presyo ng langis ay pinababantayan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibleng epekto ng gulo sa Gitnang Silangan sa daloy ng OFW remittances.
Ayon sa pangulo apektado kasi nito ang pamilyang Pilipino.
Sinabi ng pangulo na kailangan ding tutukan ang palitan ng piso kontra dolyar.
Aminado ang pangulo na baka tumagal ng hanggang limang linggo ang giyera sa Iran batay sa pagtaya ng Estados Unidos.
Kampante naman ang Malakanyang na mananatiling matatag ang remittances dahil patuloy naman ang trabaho ng mga OFW.




