14 March 2025
Calbayog City
Province

Tatlong Chinese nationals na iniuugnay sa online gambling, nasakote sa Calamba, Laguna

TATLONG dayuhan ang dinakip ng Bureau of Immigration (BI) noong Valentine’s day, kasunod ng report mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na sangkot ang mga ito sa illegal online gambling.

Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., na tatlong chinese nationals ang nasakote sa barangay Milagrosa sa Calamba, Laguna.

Sa natanggap na report mula sa PAOCC, ang tatlo ay nagsasagawa ng online gambling at sangkot din sa prostitusyon.

Nang suriin ng mga awtoridad, nadiskubre na dalawa sa mga suspek ay Tourist Visa lamang ang hawak habang ang isa ay mayroong working visa para sa isang kumpanya na naka-base sa Makati.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).