15 March 2025
Calbayog City
Metro

Sunog, sumiklab sa residential area sa Barangay Pag-asa, Quezon City

Nawalan ng tirahan ang hindi pa mabilang na pamilya sa barangay Pag-asa sa Quezon City dahil sa sunog na sumiklab, dakong alas dos ng hapon, kahapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na kumalat ang apoy sa kabila ng pag-ulan, dahilan para magmadaling lumikas ang mga residente, at tumulong sa pag-apula ng sunog sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga timbang may lamang tubig.

Pansamantala namang isinara ang bahagi ng north avenue para sa mga rumespondeng bombero.

Tumagal nang isang oras bago naapula ang sunog at wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).