MAKIKITA sa website ng Commission on Elections (COMELEC) ang Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 National and Local Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, lahat ng COC na ihahain ng mga kandidato mula Oct. 1 hanggang 8 ay ilalagay sa website ng COMELEC.
ALSO READ:
MGA NEGOSYANTE NG LANGIS, BINALAAN NI PBBM
BREAKING | IDENEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo simula sa Lunes, March 9.
Paglilitis sa graft case ni Dating Senador Bong Revilla, sisimulan sa Apr. 7
Quezon City Rep. Bong Suntay, humingi na ng paumanhin sa bastos na komento patungkol kay Anne Curtis
Kasama dito ang mga COC na ihahain para sa national at local positions.
Ipapaskil din sa COMELEC website ang mga ihahain na COC para sa BARMM mula Nov. 4 hanggang 9.
Sinabi ni Garcia na hindi lamang isasama sa ipo-post sa website ang mga personal data na hindi naman kailangang isapubliko.
Layunin aniya nito na na malaman ng mga botante ang background ng mga kandidato na kanilang iboboto.
