PUMANAW na si Emir Sheikh Nawaf Al-Ahmad Al-Sabah ng Kuwait sa edad na walumpu’t anim, ayon sa Royal Court, mahigit tatlong taon lamang mula nang pamunuan ang US- Allied Gulf Oil Producer.
Hindi naman tinukoy sa report ang dahilan ng pagkamatay ng Emir, bagaman na-admit ito sa ospital noong nakaraang buwan bunsod ng emergency health problem.
Ang walumpu’t tatlong taong gulang na si Crown Prince Sheikh Meshal Al-Ahmad Al-Sabah, na nagsilbing De Facto Ruler ng Kuwait simula 2021, ang sumalo sa karamihan ng tungkulin nang magkasakit ang Emir, at iniluklok bilang successor ni Sheisk Nawaf.
Nag-anunsyo ang Kuwait ng apatnapung araw ng pagluluksa at tatlong araw na pagsasara ng Official Departments.