Nanguna ang Finland sa listahan ng World’s Happiest Countries sa ikapitong sunod na taon, ayon sa annual report kasabay ng pagdiriwang ng United Nations International Day of Happiness kahapon, March 20.
Sumunod sa Finland ang Nordic neighbors nito na Denmark, Iceland, at Sweden.
Nakapasok naman sa top 10 ang the Netherlands, Norway, Luxembourg, Switzerland at Australia.
Ang report ay base sa global survey data mula sa mga mamamayan sa mahigit isandaan at apatnapung mga bansa.
Sinukat ang kaligayahan ng citizens batay sa kanilang average life evaluations sa nakalipas na mga taon o mula 2021 hanggang 2023.