APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin o bawasan ang excise tax sa langis.
Sa botong 17-0 inaprubahan ang Senate Bill 1982.
ALSO READ:
Sa ilalim ng panukalang batas, mabibigyan ng agarang ginhawa ang mga Pinoy sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Batay sa panukalang batas, puwedeng suspendihin o bawasan ng pangulo ang buwis sa langis kapag lumagpas sa eighty dollars per barrel ang presyo ng Dubai Crude Oil.
Magiging pansamantala lamang ang hakbang at awtomatikong babalik ang buwis kapag naging normal na ang sitwasyon at ang suplay ng produktong petrolyo.




