8 July 2024
Calbayog City
Metro

Elepante sa Manila Zoo na si Mali, pumanaw na

mali

Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagkamatay ng elepante sa Manila Zoo na si Vishwa Ma’ali o mas kilala bilang si Mali.

Ayon kay Lacuna, pumanaw si Mali 3:45 ng hapon, kahapon, Nov. 28.

Nagsagawa ng necropsy sa elepante upang malaman ang tunay na kadahilanan ng kanyang pagkamatay nito.

Si Mali na isang female Asian elephant ay halos nasa limampung taon na ang edad.

Ipinanganak ito sa Sri Lanka noong 1974. Taong 1977, iniregalo ng Ari Lankan Government ang tatlong taong gulang na si Mali kay dating unang ginang Imelda Marcos at dinala sa Manila Zoo.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *