TINAPOS ng Pilipinas ang taong 2025 nang matamlay ang economic performance, makaraang kapusin sa target ng pamahalaan ang growth rate sa ikatlong sunod na taon.
Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, na lumobo ng 3% ang ekonomiya noong October hanggang December 2025.
Mas mabagal ito kumpara sa revised 3.9% growth rate na inaasahan sa ikatlong quarter ng nakaraang taon.
Naitala naman sa 4.4% ang growth rate sa buong taon ng 2025 na mas mababa rin sa target ng Marcos Administration na 5.5% hanggang 6.5%.




