PATAY ang tatlong magkakamag-anak makaraang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Molo, Iloilo City.
Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng animnapu’t limang taong gulang na babae, dalawampu’t pitong taong gulang na lalaki, at sampung taong gulang na lalaki.
Ayon sa Iloilo City Bureau of Fire Protection, nadamay din sa naturang sunog ang nasa animnapu’t limang kabahayan.
Sa pagtaya ng arson investigators, umabot sa anim punto anim na milyong piso ang halaga ng natupok na ari-arian.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang sanhi ng sunog.