10 March 2026
Calbayog City
Province

Dagdag-sahod para sa mga kasambahay sa Calabarzon, epektibo na sa March 7

EPEKTIBO na simula sa Mar. 7 ang dagdag-sahod para sa mga kasambahay sa Calabarzon o Region IVA.

Ang wage order na nagbibigay ng dagdag-sahod na P750 hanggang P1,750 sa mga kasambahay sa rehiyon ay nasaipubliko na noong Feb. 19, 2025 kaya magiging epektibo na ito sa Mar. 7.

Sa ilalim ng kautusan, mula sa dating P6,000 ay magiging P6,750 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa mga cities at first class municipalities sa region IVA.

Mula naman sa P5,000 ay magiging P6,750 na din ang buwanang sweldo ng mga kasambahay sa iba pang munisipalidad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).