IPINAGPALIBAN ng mga awtoridad sa Iran ang funeral ceremony para sa namayapa nilang supreme leader na si Ayatollah Ali Khamenei.
Dahil ito sa nagpapatuloy na matinding pag-atake ng US at Israeli forces sa naturang bansa.
ALSO READ:
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
US Embassy sa Riyadh, tinamaan ng drones, ayon sa Saudi Defence Ministry
Fighter jets ng US tinarget ng Kuwait matapos mapagkamalang kalaban
Pope Leo nanawagan ng responsableng dayalogo at itigil ang karahasan sa Middle East
Ayon sa isang opisyal, marami ang humihiling na makadalo sa 3-day event sa Tehran Prayer Complex at kailangang maihanda rin ang venue.
Samantala, inihayag naman ng isang miyembro ng assembly of experts na malapit nang makapili ang clerical body ng successor ni Khamenei, na nasawi sa airstrike nang simulan ng US at Israel ang pag-atake noong Sabado.
