28 December 2025
Calbayog City
Metro

EDSA busway, mananatiling operational kahit simulan ang rehabilitasyon sa pangunahing kalsada sa katapusan ng marso

MANANATILING operational ang EDSA busway kahit sasailalim ang pangunahing kalsada sa rehabilitasyon, ayon sa Department Of Public Works And Highways – National Capital Region.

Inihayag ng pamahalaan na ang rehabilitation works ay bahagi ng hosting preparations ng bansa para sa Association Of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa susunod na taon.

Sa statement, tiniyak ng dpwh-ncr na magiging operational pa rin ang EDSA bus carousel bagaman pansamantala itong ililipat sa adjacent lane habang ang EDSA bus stations ay mananatiling bukas para sa mga commuter.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).