KINUMPIRMA ng Office of the Vice President ang biyahe sa labas ng bansa ng chief of staff nito na si Undersecretary Zuleika Lopez.
Ayon sa pahayag ng OVP, ang “personal trip” ni Lopez mula November 4 hanggang 16, 2024 ay aprubado ni Vice President Sara Duterte.
Personal umano ang biyahe ng chief of staff at walang kinalaman sa kaniyang employment o trabaho sa OVP.
Sinabi din ng OVP na nagsumite si Lopez ng karampatang dokumento na kinakailangan para sa mga bumibiyaheng government officials.
Noong Martes (Nov. 5), sinabi ng House of good government and public accountability committee na nakatanggap ito ng rekord mula sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapakita ng pag-alis sa bansa ni Lopez patungo ng Los Angeles.