NAITALA ng PAGASA ang 40 degrees celsius sa bayan ng Echague, sa Isabela, noong Lunes, na pinakamainit na temperatura ngayong 2024.
Ito ang kauna-unahang 40 degrees celsius na temperatura na naitala sa bansa simula noong 2021.
June 5, 2021 nang maitala sa Echague at Tuguegarao City ang 40.1 at 40.2 degrees celsius na maximum temperatures.
Kabilang sa iba pang mga lugar na nakaranas ng napakainit na panahon, noong Lunes, ay ang Camiling, Tarlac na nasa 39.8 degrees celsius at Tuguegarao City na nasa 39.6 degrees celsius.