4 December 2025
Calbayog City
Overseas

Kabahayan at mga sasakyan, nilamon ng apoy sa kasagsagan ng wildfire sa Los Angeles sa Amerika

IDINEKLARA ang State of Emergency sa Los Angeles sa California sa U-S, makaraang sumiklab ang wildfire sa lawak na 10 acres, sa loob lamang ng ilang oras.

Ayon kay Fire Chief Kristin Crowley, mahigit tatlumpunlibong katao ang inatasang lumikas, habang labingtatlunlibong gusali ang under threat.

Sa footage, makikita kung paano nilamon ng apoy ang kabahayan sa Pacific Palisades Area habang inabandona na ng mga residente ang kanilang mga sasakyan upang matakasan ang sunog.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).