AABOT sa 53.36 billion pesos ang inilaang pondo simula noong 2023 para sa implementasyon ng pitundaang Flood Control Projects sa Eastern Visayas Region, na subject sa Monitoring, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa datos ng Regional Development Council (RDC), mula sa Total Projects, 435 ang nakumpleto na, 216 ang ongoing, habang 49 ang hindi pa nasisimulan, as of June 2025.
Commander-in-Chief, muling pinagtibay ang pangakong Serbisyo at Kapayapaan sa Eastern Visayas
Pangulong Marcos, pinatitiyak sa DOH ang pagpapatupad ng Zero Billing Program
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Ang mga proyektong ito ay ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office at labing apat nitong Engineering Offices sa anim na lalawigan.
Sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes, inatasan nito ang DPWH na isumite ang listahan ng lahat ng Flood Control Projects na sinimulang itinayo nang mag-umpisa ang kanyang administrasyon noong 2022.