Halos 300 drums ng infectious at hazardous medical waste ang isang taon nang naka-tengga sa lumang North Bus Terminal sa Mandaue City.
Nag-inspeksyon si Mandaue City Mayor Thadeo “Jonkie” Ouano sa nasabing lugar matapos ang kaniyang pagbisita sa Mandaue City Hospital (MCH).
Ang mga basura na kinabibilangan ng used syringes, gamit nan bandages, chemical containers at iba pang kontaminadong gamit ay mga basura ng MCH.
Mayroon ding mga medical waste na mula sa City Health Office at mga barangay.
Sa record ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) aabot sa 292 na drum ng basura ang nasa terminal.
Na-delay ang pagkulekta sa mga ito makaraang magsara ang dating waste collector ng City Hall.