15 March 2025
Calbayog City
Local

2 bangkang pangisda na gumagamit ng “hulbot-hulbot”, inaresto sa Samar

DALAWANG commercial fishing vessels na nagsasagawa ng mapaminsalang paraan ng pangingisda sa karagatan ng Samar ang hinuli sa joint seaborne operation.

Kinumpiska ng team mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard ang Modified Danish Seine na isang illegal fishing gear na tinatawag ng mga lokal na “hulbot-hulbot.”

Ayon kay BFAR Eastern Visayas Regional Director Hannibal Chavez, ang paggamit ng hulbot-hulbot ay ipinagbabawal sa Pilipinas dahil sa nakasisirang epekto nito sa marine habitats at matagal na panahon bago tuluyang makarekober ang mga napinsala nito.

Ang dalawang bangkang pangisda, pati na ang illegal fishing gear ay naka-impound sa FPLEG Substation sa Carigara, Leyte para sa “proper disposition at custodial safekeeping.”

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *