AABOT sa 2,291 individuals o 714 families ang pansamantalang nakikisilong sa evacuation centers sa Eastern Visayas bunsod ng epekto ng Bagyong Verbena.
Batay ito sa latest situation report na inilabas ng Police Regional Office (PRO-8).
ALSO READ:
Kabuuang 3.097 evacuation centers ang inactivate sa buong rehiyon, bagaman apatnapu’t lima lamang ang kasalukuyang okupado.
Kinabibilagan ito ng dalawampu’t lima sa Southern Leyte at dalawampu sa Biliran.
Ang natitira namang 3,054 sites ay nananatiling naka-standby para posibleng magamit sakaling lumala ang sitwasyon.




